Nagtungo ang Task Force Sagip ng AFP sa Anoling Elementary School sa Camalig, Albay para mabigyan ng mapaglilibingan ang mga evacuees na naipit sa aktibidad ng Bulkang Mayon.
May mga sayawan, palaro, film showing at libreng gupit pa para sa mga bata na isinagawa ang AFP para sa mga biktima ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.
Kitang-kita naman ang saya sa mukha ng mga batang halos ilang linggo na ring namamalagi sa paaralan. May mga medical mission din na isasagawa sa iba pang evacuation centers.
Para kay Natty Manrique na tatlong linggo nang nasa evacuation center, nakabawas sa bigat ng dinaranas ng kaniyang pamilya ang isinagawang psychosocial activities.
Hiling ng mga evacuee, matapos na ang pag-aalboroto ng Bulkang Mayon upang makabalik na sa dati nilang pamumuhay.
( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )