Street dwellers sa Roxas Boulevard sa Maynila ni-rescue ng DSWD

by Radyo La Verdad | January 19, 2016 (Tuesday) | 1731

DSWD
Mahigit tatlumpung mga street dweller sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila ang dinala ng Department of Social Welfare and Development sa reception and action center kagabi.

Aminado sa DSWD Manila na ilan sa mga narescue ay paulit ulit na bumabalik sa lansangan sa kabila ng mga programang ginagawa na City Government gaya ng pagbibigay ng livelihood program at murang paupahang matutuluyan

Umalma naman ang ilan sa mga ni-rescue, gutom umano ang inaabot nila sa boys town sa Marikina na pinagdadalhan sa kanila sa tuwing kukunin sila sa DSWD.

Handa umano silang umalis sa daan kung may kasiguraduhan ang umano’y puro pangakong napapako ng DSWD

Hinakot ng ahensya ang mga gamit ng mga palaboy maging ang kanilang mga paninda na ibabalik din umano sa kanila pagkatapos ng proseso ng pag-iinventory sa lahat ng dadalhin sa boys town.

Ilang mga patalim din ang nakumpiska na posibleng ginagamit umano ng ilang sa mga nirescue sa masamang gawain.

Dagdag pa ng DSWD Manila magpapatuloy ang kanilang operasyon sa pagaalis sa mga street dweller sa Roxas Boulevard lalo na sa Bay Walk upang wag katakutang pasyalan ng mga turista.

(Benedict Galazan/UNTV News)

Tags: ,