STL operator sa Batangas, sinampahan ng tax evasion ng BIR

by Radyo La Verdad | November 24, 2016 (Thursday) | 1237

roderic_roldan
Halos isang bilyong pisong buwis ang hinahabol ngayon ng BIR sa isang STL operator sa Sto. Tomas, Batangas.

Ayon sa BIR, hindi nagbayad ng vat at income tax ang Batangas Enhanced Technology Systems Inc. mula 2007 hanggang 2015 at umabot na sa mahigit 950-million pesos ang dapat nitong bayaran.

Ito ang unang tax evasion case na inihain ng BIR sa ilalim ng Administrasyong Duterte.

Tuloy din ang paghahabol ng ahensiya sa mga kinasuhan ng tax evasion ng nakaraang administrasyon.

Panawagan ng BIR, magbayad ng tamang buwis upang makaiwas sa kaso.

Babala pa ng opisyal, hindi dapat maging kampante ang mga tumatakas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan dahil tiyak na mahuhuli rin sila kalaunan.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: ,