Steve Harvey, ginawang funny moment ang pagkakamali noong 2015 Miss Universe

by Radyo La Verdad | January 31, 2017 (Tuesday) | 3516


Sino ba naman ang makakalimot sa pagkakamali ng sikat na American television host na si Steve Harvey noong nakaraang Miss Universe.

Ngunit sa kabila ng insidente, hindi nakaapekto kay harvey ang kanyang on air mistake at sa halip ay nananatili siyang positibo sa pagbabalik bilang main host ng pageant ngayong taon.

At kitang kita naman ito sa kanyang mga dialogue sa pagbubukas pa lang ng programa.

Maging si 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach ay nakisabay na rin sa biro ng tv host.

Lalo pang na-tense si steve nang magkasunod niyang tawagin sina Miss Colombia at Miss Philippines sa Top 12 finalists.

At nang dumating na ang oras upang i-anunsyo ang bagong Miss Universe, may huling paandar pa sina Steve at Pia.

Tags: ,