Nagluluksa ang mga residente ng Las Vegas matapos ang insidente ng pamamaril nitong Linggo kung saan 59 na ang nasawi.
Isinailalim na sa state on emergency ang Clark County sa Nevada matapos ang mass shooting.
Nakakuha na ng search warrant ang Las Vegas police upang maimbestigahan ang bahay ng shooter na si Stephen Craig Paddock.
19 na baril ang nakuha sa bahay ng suspek habang 23 naman sa hotel room kung saan nito isinagawa ang pamamaril.
Subalit blangko pa rin ang mga otoridad sa tunay na motibo ng suspek na nagbaril rin sa sarili.
Samantala, ayon sa Department of Foreign Affairs nananatiling wala pang kumpiramadong pilipino na nasawi o nasugatan dahil sa insidente.
Wala ring kumpirmasyon ang DFA kung Pilipino nga ba ang girlfriend ng suspek na si Marilou Danley na una nang itinuring na person of interest ng mga otoridad.
Nakatakda namang bumisita sa Las Vegas si U.S. President sa Huwebes at una ng ipinag-utos nito na ilagay sa half staff ang mga bandila ng Amerika.
( Kath Canlas / UNTV Correspondent )
Tags: Clark County Nevada, Las Vegas Massacre, State of emergency