State of emergency, idinekalara sa New York City, USA dahil sa snow storm

by Radyo La Verdad | January 5, 2018 (Friday) | 9183

Inaasahang aabot ng hanggang 6-8 inches ng snow ang babagsak sa buong maghapon hanggang mamayang gabi sa buong syudad ng Newyork.

Ayon naman sa Newyork City Government, full force ang sanitation at Department of transportation mula pa alas-7 ng gabi ng Miyerkules at magtatrabaho pa sila ng 12hours shift ngayong araw at dineploy na rin ang 1,500 snow plowers at 700 salt spreaders upang siguruhing madadaanan ang mga kalsada sa syudad.

Aabot na sa 1,400 mula pa kaninang umaga ang cancelled flights sa Lagiardia, Newark at JFK Airports ng syudad dahil sa masamang panahon. Isinailalim na sa state of emergency ang ilang lugar sa estado kabila na ang New York City.

Inaasahang magiging blizzard like ang weather condition sa syudad mamayang gabi bago umakyat ang winter storm sa New England area partikular sa Boston City area hanggang estado ng main kung saan makakaranas ng blizzard conditions at hanggang 12inches ng snow.

Babagsak ng hanggang negative 1 degrees celsius ang temperatura sa syudad mamaya at inaasahang mayroonh real feel na negative 14 degrees celsius dahil sa wind gusts.

Samantala, naglabas ng advisory kahapon pa ang consulado ng Pilipinas sa Newyork at binababalaanan ang mga kababayan natin na hanggat maari ay manatili sa loob ng kanilang mga tahanan.

Sa kasalukuyan wala pa namang nairereport na Fil-Am na naapektuhan sa naturang snow storm ngunit nakikipagignayan palagi ito sa mga Filipino communities sa para sa mga updates.

 

( Aaron Romero / UNTV Correspondent )

Tags: , ,