SSS, nagbukas ng panibagong Loan Restructuring Program

by Radyo La Verdad | March 23, 2018 (Friday) | 4129

Muling nagbukas ng Loan Restructuring Program ang Social Security System (SSS) sa lahat ng mga miyembro na may short term loan o utang na hindi na nababayaran ng anim na buwan pataas.

Principal loan at interes nalang ang kailangang bayaran ng miyembro at hindi na sila sisingilin pa ng SSS ng buwanang penalty. Maaari itong bayaran ng hanggang 5 taon.

Binaba na rin sa 3% ang interes mula sa normal interest rate na 10%. Maaaring mag-apply nito ang mga SSS member na may edad na animnaput limang taon pababa na may loan at nakatira o nagtatrabaho sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad.

Lahat ng gustong mag-avail ng loan restructuring program ng Social Security Program ay pinapayuhang magtungo sa lahat ng SSS branches sa buong bansa magsisimula silang tumanggap aplikasyon sa darating na ika-2 ng Abril na tatagal hanggang ika-1 ng Oktubre 2018.

Samantala, hindi na maaaring mag-apply pa ang mga sumali na sa naunang loan restructuring program ng SSS.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,