SSS, muling iginiit na kailangan ng itaas ang kontribusyon ng mga miyembro

by Radyo La Verdad | October 3, 2017 (Tuesday) | 2268

Umaasa ang Social Security System na maisasabatas na ang bagong SSS bill na magbibigay pahintulot sa ahensya na magtaas ng kanilang kinokolektang kontribusyon mula sa mga miyembro.

Ayon sa SSS, iikli ang buhay ng kanilang pondo kung hindi sila makapagpapatupad ng contribution hike dahil sinimulan na ang pagbibigay ng dagdag na 1,000 sa pension ng mga senior citizens.

Sa orihinal na plano ng SSS, Mayo ng taong ito dapat nakapagpasimula ng magpatupad ng 1.5%  increase ang SSS.

Kung maipatutupad magiging 12.5% na ang dating 11% na members premium.

Target itong paabutin ng 17% hanggang sa taong 2022 upang umabot sa 2051 ang buhay ng kanilang pension fund mula sa dating 2042.

Gaya na lamang ng expanded maternity benefit at unemployment benefit. Dahil atrasado na ang pagpapatupad ng increase, kailangang habulin ang dapat sanang 23 billion pesos na nalikom na kontribusyon ngayong taon.

Umaasa ang SSS na makapagpapatupad ng increase sa lalong madaling panahon. Pabor naman sa dito ang ilang miyembro ng SSS.

Wala pang maibigay na figure ang SSS kung magkano ang ipapataw na increase oras na maaprubahan na bilang isang ganap na batas ang new SSS bill na nakabinbin sa Senado.

Bukas nakatakdang magsagawa ng pagdinig ang Senado hinggil sa panukalang batas.

 

( Abi Sta. Inez / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,