Matatanggap na ngayong buwan ng mahigit dalawang milyong retiradong miyembro ng SSS ang dagdag na isang libong pisong pensiyon.
Dahil hindi naibigay ang unang isang libong piso noong Enero, karagdagang dalawang libong ang papasok sa atm account ng retired pensioners.
Sa ngayon ay hinihintay na lang ng ahensya ang pirmadong executive o memorandum order ni Pangulong Duterte bago ito tuluyang maipamahagi.
Umaasa naman ang SSS na maibibigay nila ang second tranche ng pension na nagkakahalaga rin ng isang libong piso sa taong 2022.
Kasabay nito ay muli namang nagpaalala ang SSS sa mga employer na siguraduhing regular na nagreremit ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado upang maka-iwas sa penalties at reklamo.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)
Tags: handa nang ibigay ang karagdagang pensyon ngayong Pebrero, SSS