SSS contribution increase at mandatory SSS membership sa mga OFW, nais paimbestigahan ng Bayan Muna sa Kamara

by Radyo La Verdad | June 18, 2019 (Tuesday) | 12323

Nais paimbestigahan ng Bayan Muna sa Kamara ang pagtaas ng kontribusion sa Social Security System o SSS at ang mandatory SSS membership ng mga oversease Filipino Worker o OFW.

Ihahain nina Representative Carlos Zarate at Congressman-elect Ferdinand Gaite ang resolusyon ukol dito sa pagsisimula ng 18th Congress.

Sa isang pahayag sinabi ni Zarate na wala paring tugon ang SSS sa suhestiyon nila na kailangan lang ayusin ang koleksyon upang madagdagan ang benepisyo ng mga miyembro at hindi na kailangang itaas pa ang kontribusyon.

 “Until now, the SSS remain silent on what it  has done to increase its collections without raising the members’ premium  contribution.” Pahayag ni Bayan Muna Party-list Rep Carlos Zarate.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: , , ,