Sponsorship speech para sa BBL, isasagawa ngayong araw sa Kamara

by dennis | May 27, 2015 (Wednesday) | 1015
File photo: UNTVweb.com
File photo: UNTVweb.com

Nakatakdang isagawa ngayong araw ang sponsorship speech para sa proposed Bangsamoro Basic Law ng ilang miyembro ng Ad Hoc Committee sa plenaryo ng Mababang Kapulungan.

Kahapon ay inaprubahan na ng Committee on Ways and Means ang taxation provisons ng proposed Bangsamoro Autonomous Region.

Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, chairman ng Ad Hoc Committee on the proposed BBL, pagkatapos na maisagawa ang sponsorship speech, magsisimula naman sa Hunyo 1 ang talakayan sa plenaryo na isasagawa mula alas diyes ng umaga at matatapos ng alas dose ng hating gabi.

Labing apat na oras na tatalakayin ang Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region sa plenaryo.

Ayon Kay House Ad Hoc Committee Chair Rufus Rodriguez inaasahang magtatagal pa ang pag-aaral nito sa plenaryo lalo na at may 290 kongresista ang susuri nito.

Pinabulaanan din ng House Ad Hoc Chair na ang pag-apruba ng House Ad Hoc Committee ay hindi dahil sa bribery at ginawa nila ito para sa usapang pangkapayapaan.

“We are voting for peace and that’s why we are voting in spite the fact that we have received so much flax and allegations of bribery which we extremely untrue and unkind .. We will have this to be approved,” pahayag ni Rodriguez

(Aiko Miguel/UNTV Radio)