Speed testing sa internet connection ng mga fixed set up o gaya ng nasa bahay at opisina, sisimulan na ng NTC sa Oct. 19

by Radyo La Verdad | October 8, 2015 (Thursday) | 6982

DARLENE_INTERNET
Sisimulan na sa October 19 ng National Telecommunications Commission o NTC ang actual speed testing sa internet speed ng fixed setup o yung gaya ng nasa mga bahay at opisina ng mga telecommunications corporation

Gagawin ang speed test sa sampung lokasyon kabilang dito ang Eusebio High School sa Rosario Pasig, Bago Bantay Elementary School sa Quezon City, Manila City Hall at Sto. Nino Elementary School sa Marikina

Kapag natapos na ang testing, isasapubliko ng NTC ang resulta sa mga pahayagan at sa kanilang website upang malaman kung talagang nasusunod ng mga Telco ang kanilang advertised speed

Isusunod naman ng NTC ang speed testing sa mga mobile internet sa buwan ng Nobyrembre o Disyembre

Tags: