Spectacular fireworks, namalas sa iba’t-ibang bahagi ng mundo

by Radyo La Verdad | January 1, 2018 (Monday) | 3214

Nauna nang nagpamalas ng kamangha-manghang fireworks displays ang iba’t-ibang bansa mula sa Asia-Pacific Region bilang pagsalubong sa pagpapalit ng taon.

Sa New Zealand, halos 3,000 multi-colored fireworks ang namayagpag sa Sky Tower sa Auckland na nagtagal ng mahigit limang minuto.

Agad naman itong sinundan ng Australia sa taunangang fireworks display show nito sa Sydney Harbour. Habang libo-libo ang nagtipon sa Victoria Harbour sa Hong Kong upang masaksihan ang isang 10-minute musical fireworks show.

Isang “2018 Happy together” themed celebration naman ang nagpakulay sa pinakamataas na Skycraper sa Taiwan, ang Taipei 101 Tower.

Pinatingkad naman ng 3,000 fireworks ang kalangitan ng Yokohama, Japan na nasaksihan ng libo-libong tao mula sa Iconic Sea Paradise Aquarium.

Samantala, sa kabila ng namumuong tensyon bunsod ng nuclear at missle programs sa North Korea, sinalubong ng mga mamamayan nito ang taong 2018 ng isang fireworks show sa Taedong River sa Pyongyang.

Mas masiglang industriya ng turismo naman ang hangad ng Thailand sa pagpapalit ng taon, kung saan ay tampok ang historic bridge nito sa Kwai River sa Kanchanaburi.

Hindi rin nagpahuli ang Dubai, ang largest city sa United Arab Emirates sa kamangha-manghang fireworks display nito.

Saliw sa musika, namangha naman ang mga manunuod sa fireworks display sa Atlantis Resort sa Palm Jumeirah, isang artificial archipelago na nagdudugtong sa Persian Gulf.

Sa kabila ng malamig na klima sa Greece, inaliw ng music bans ang mga mamamayan at turista sa Acropolis. Hangad naman ang mas malagong ekonomiya. Tampok sa Athens ang isang ancient site sa Acropolis, ang makukulay na fireworks sa kalangitan bilang simbolo ng panibagong pag-asa sa pagpapalit ng taon.

Sinalubong naman ng Moscow Ang 2018 ng naglalakihang fireworks display sa red square.

Daan-daang katao ang nagtipon sa Moskova River Banks upang masaksihan ang naggagandahang pailaw sa kalangitan ng Kremin walls.

 

( Abi Sta. Ines / UNTV Correspondent )

Tags: , ,