Naniniwala si House Majority Floor Leader Neptali Gonzales II malabong maipasa ang Proposed Bangsamoro Basic Law bago mag-adjourn ang Kongreso sa June 11.
Isa sa nakikitang opsyon ng ilang kongresista upang maipasa ang Bangsamoro Bill sa lalong madaling panahon ay ang pagkakaroon ng Special session.
Subalit ayon kay House Deputy Majority Leader Miro Quimbo hindi agad-agad maaaring magdesisyon ang Kamara sa pagkakaroon ng Special session.
Nangangailangan ito ng koordinasyon sa Senado at saka aaprubahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Kung hindi kakayaning ipasa ng Kongreso sa susunod na linggo ang Bangsamoro Bill, ipagpapatuloy nalamang nila ito sa susunod na buwan.
Sa Senado nananatiling nasa kumite ang panukalang batas.