Special registration para sa Bangsamoro plebiscite, simula na ngayong araw

by Radyo La Verdad | September 11, 2018 (Tuesday) | 3553

Sinimulan na ngayong araw ng Commission on Elections (Comelec) ang special satellite registration sa Bangsamoro Organic Law plebiscite areas.

Siyam na special registration teams mula sa Comelec main office ang magsasagawa ng satellite registrations sa labinganim na venue sa Lanao Del Sur, Maguindanao, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Lanao Del Norte at North Cotabato.

Ang special registration ay tatagal hanggang sa Huwebes, ika-13 ng Setyembre. Bukod pa ito sa ongoing registration na isinasagawa ng mga election officer sa plebiscite areas.

Ang mga nakapagparehistro naman noong May 14 barangay and SK elections at para sa may 13, 2019 national and local elections ay hindi na kailangang magparehistro.

Nakatakda sa ika-21 ng Enero 2019 ang plebisito sa buong probinsiya ng Lanao Del Norte maliban sa Iligan City at lahat ng barangay sa anim na munisipalidad ng North Cotabato upang ratipikahan ang Republic Act 11054 o ang Bangsamoro Organic Law.

Tags: , ,