Aprubado na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang special permit para sa mga city at provincial buses.
Layunin ng naturang permit na magbigay ng pahintulot sa mga bus na bumiyahe sa mga kilalang probinsya kahit wala ito sa kanilang ruta simula March 22 hanggang March 29.
Ito ay bilang paghahanda para sa pagdagsa ng taong uuwi sa kanilang mga probinsya upang samantalahing magbakasyon sa darating na long holiday.
Dagdag ito para sa posibleng kakulangan ng bus dahil sa dami ng pasahero sa darating na bakasyon.
Nagpaalala naman ang LTFRB sa publiko na huwag sumakay sa colorum na bus dahil wala itong insurance at hindi ito ligtas na sakyan.
Lahat naman ng mahuhuling colorum na bus sa long holiday ay papatawan ng LTFRB ng kaukulang sanction.
Babantayan din ng ahensya ang mga bus operator na mananamantalang maningil ng mahal kaysa itinalagang taripa ng LTFRB.
Tags: long holiday, LTFRB, mga city at provincial buses, special permit