Sa halip na sa April 2, sa April 16 na lamang ilalabas ng Joint National Bureau of Investigation at National Prosecution Service Investigation Team ang report nito sa Mamasapano incident.
Kinumpirma ni Justice Secretary Leila de Lima na humingi sa kanya ng dalawang linggong extension ang grupo.
Ang dahilan, nitong Martes lamang natanggap ng Department of Justice ang kopya ng Senate at Moro Islamic Liberation Front reports.
Ayon kay De Lima, patuloy ang pagusisa ng DOJ team sa mga isinumiteng report.
Nasimulan na rin ng NBI ang pag-imbita sa mga personalidad na nabanggit sa mga report para sa clarificatory questioning.
Inaalam na rin ng mga state prosecutor ang mga reklamong isasampa laban sa mga opisyal na sangkot sa pagpaplano at pagsasagawa ng Oplan Exodus. ( Bianca Dava / UNTV News Correspondent )
Tags: Joint National Bureau of Investigation, Justice Secretary Leila de Lima, Mamasapano incident, National Prosecution Service Investigation Team, Oplan Exodus