Special elections sa mahigit 50 clustered precincts sa ilang probinsya, mahigpit na babantayan ng Philippine National Police

by Radyo La Verdad | May 12, 2016 (Thursday) | 1356

WILBEN-MAYOR
Handa na ang Philippine National Police sa isasagawang special elections sa limampu’t dalawang clustered precincts sa ilang probinsya sa May 14.

Ayon kay PNP PIO Chief PCSupt. Wilben Mayor, magtatalaga sila ng sapat na bilang ng tauhan upang mapangalagaan ang election paraphernalia maging ang kaligtasan ng mga Board of Election Inspector at mga botante.

Nakahanda na rin ang mga pulis na posibleng magsilbi bilang Board of Election Inspector lalo na sa mga lugar na may security concerns.

Mayroong 17,657 na mga botante sa 52 clustered precincts na magsagawa ng special elections.

47 dito ang mayroong security concerns, 2 ang nagkulang ng official ballots, 2 din ang misdelivered ang balota at 1 ang walang printed ballots.

Kabilang sa mga lugar na may security concern ay ang Brgy. Roxas, Lope de Vega Northern Samar, Brgy. Nagpapacaomatuguinao Western Samar, 26 na barangay sa binidayan Lanao Del Sur, 6 na barangay sa Pata Sulu, 10 barangay sa panglima estimo Sulu at 3 barangay sa Tamparan, Lanao Del Sur.

Bagamat wala namang security concern sa Brgy. Gabi Cordova Cebu na naitalang walang printed official ballots, nagkaroon naman ng misdelivered ng balota sa Brgy. Alobo Sta. Cruz Marinduque at Brgy Malalag Maitum Saranggani habang kulang naman ang official ballots sa Brgy. Mabuyong Anini-y at Brgy. Insubuan San Remigio, Antique.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,