Southeast Asian Nations, Australia at New Zealand nagkasundong magtutulungan vs. terorismo

by Radyo La Verdad | July 31, 2017 (Monday) | 2279


Nagtipon-tipon nitong Sabado sa Manado, Indonesia ang mga kinatawan ng mga bansang Malaysia, Brunei, Pilipinas, Indonesia, Australia at New Zealand upang pag-usapan ang isyung pang seguridad.

Partikular na tinalakay kung paano tutugunan ang lumalaking banta ng Islamic State sa Rehiyon. Ito ay kasunod ng krisis sa Marawi na kagagawan ng ISIS inspired Maute group.

Dahil sa insidente sa Marawi at sa unti-unting paghina ng pwersa ng ISIS sa Iraq at Syria, lumakas ang paniniwala na plano ng ISIS na magtayo ng stronghold sa Southeast Asia.

Nasa 20 Islamist figthers mula sa Indonesia ang pinaniniwalaan ng counter terrorism auhtorities na kasamang nakikipaglaban sa Marawi City.

Samantala bukod sa palitan ng impormasyon naging bahagi sa talakayan ang pagtutulungan pagdating sa border control at ang paglaban sa ginagawang recruitment ng ISIS sa pamamagitan ng socia media.

(Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent)

Tags: , ,