METRO MANILA – Inilagay sa kustodiya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga source code na gagamitin sa May national at local election upang masigurado ang seguridad nito na tiniyak ng mga opisyales ng pananalapi.
Apat na eleksyon nang nasa pag-iingat ng BSP ang mga source codes mula 2010, 2013, 2016, at 2019 ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno.
Aniya, nakadeposito ang mga source codes sa vault ng BSP at iniingatan ngmeta locks na may combinations at mga susi na nasa pangangalaga lamang ng Commission on Elections (Comelec) officials upang matiyak na hindi magagalaw ninoman.
Ang paglalagay ng Comelec ng source codes sa pangangalaga ng central bank ay nasa ilalim ng Republic Act 9369 o ang automated election law.
Tinitingnan pa ng Comelec kung kailan ibibigay ang source codes sa BSP para maingatan at ayon sa dalawang opisina, magiging bukas ito para sa media coverages.
Ayon kay BSP General Counsel Lawyer Elmore Capule, ilalagay ang source code sa isang secured vault sa ilalim ng central bank complex.
(Ritz Barredo | La Verdad Correspondent)