Nagpatawag ng pulong kahapon ang lokal na pamahalaan ng Sorsogon kaugnay sa patuloy na abnormalidad na ipinakikita ng Bulkang Bulusan.
Kasama sa pagpupulong ang mga local official, mga kawani ng Provincial Disasater Risk Reduction and Management Council at ang Philippine Institute of Volcanology and Siesmology o PHIVOLCS.
Ipinaliwanag ni PHIVOLCS Resident Volcanologist Dr. Ed Laguerta kung bakit hindi pa itinataas ang alert level ng Mt. Bulusan sa kabila ng maraming beses na naitalang phreatic eruptions.
Ayon sa senior science specialist, mananatili itong nasa alert level one hanggang wala pang naitatalang magmatic eruption.
Kabilang sa tinitingnang senyales ay ang pamamaga ng dalisdis ng bulkan at kung mainit ang ibubugang abo nito.
Tinalakay din sa pulong ang ipatutupad na precautionary measures sakaling muling magbuga ng abo ang bulkan.
Tulad na lamang ng ginagawang paghahanda sa mga paaralan sa lalawigan.
Patuloy naman ang mahigpit ng monitoring ng PHIVOLCS sa aktibidad ng Mt. Bulusan.
Pinapayuhan ang mga residenteng malapit sa bulkan na manatiling alerto, palaging makinig ng balita at makipagugnayan sa mga lokal na opisyal.
(Allan Manansala / UNTV Correspondent)
Tags: phreatic eruptions ng Mt. Bulusan, Sorsogon local gov’t