SONA 2015, generally peaceful – PNP

by dennis | July 29, 2015 (Wednesday) | 1284

3 MAPAYAPA

Idineklara ng Philippine National Police na generally peaceful ang naganap na State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III noong ika-27 ng Hulyo sa kabila ng mga naganap na komprontasyon sa pagitan ng mga pulis at ilang ralyista.

Ito ang naging over-all assessment ni PNP Chief, Director General Ricardo Marquez sa ginanap na aktibidad ng mga demonstrador at ilang militanteng grupo sa kahabaan ng Commonwealth Avenue kasabay ng ginanap na SONA ng Pangulo sa pagbubukas ng regular session ng 16th Congress.

Binati ni Marquez ang Task Force Kapayapaan na pinangunahan ni NCRPO Officer-in-charge, Chief Supt. Allen Bantolo dahil sa matagumpay na operasyon noong Lunes.

Pero hindi pa rin maiiwasan na magkaroon ng sakitan sa mga kilos protesta nang makapagtala ang PNP ng 10 sugatang pulis, 2 naman mula sa Armed Forces of the Philippines at limang sugatan naman ang naitala mula sa hanay ng mga militanteng grupo.