Isinusulong ngayon sa Kongreso ang panukalang ilipat sa opisina ng Solicitor General ang paghahabol sa mga nakaw na yaman ng pamilya Marcos.
Sa kasalukuyan, mandato ito ng Presidential Commission in Good Government.
Ngunit ang OSG pa rin ang kumakatawan sa gobyerno pagdating sa mga kaso.
Mismong si House Speaker Pantaleon Alvarez ang nagsusulong na buwagin na ang PCGG at ipaubaya na lamang sa O-S-G ang pagbawi sa mga nakaw na yaman.
Sabi ni Sol. Gen Jose Calida, nasa kapangyarihan ng Kongreso na gawin ito.
Wala rin aniyang problema dito kahit na kilala siyang taga suporta ng mga Marcos.
Magugunitang isa si Calida sa mga nagsulong ng tambalang Duterte-Marcos noong nakaraang halalan.
(Roderic Mendoza)