Pinasasagot ng Korte Suprema si Solicitor General Jose Calida sa inihaing motion for reconsideration ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Hinihiling ni Sereno sa kanyang mosyon na repasuhin ng mga mahistrado ang kanilang desisyon sa quo warranto petition na inihain ng SolGen.
Samantala, hindi pa tapos ang laban para sa mga tagasuporta ni Sereno na umaasang mababaligtad pa ang desisyon ng korte na patalsikin ito sa pwesto.
Hindi rin umano sila papayag na manaig ang naunang desisyon ng SC na patunay anila ng pagkontrol ng pangulo sa mga desisyon ng hudikatura.
Ayon naman kay dating Pangulong Benigno Aquino III, hindi karma at malaki ang naging kaibahan ng sinapit ni Sereno at ng yumaong Chief Justice Renato Corona na-impeach noong siya pa ang pangulo ng bansa.
Limang araw ang ibinigay ng korte kay SolGen Calida upang sagutin ang mosyon ni Sereno.
( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )
Tags: Korte Suprema, quo warranto ruling, SolGen