SolGen Calida, hiniling sa SC na tuluyan nang ibasura ang petisyon ni Senador Trillanes

by Radyo La Verdad | September 24, 2018 (Monday) | 9068

Hiniling ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema na tuluyan nang huwag katigan ang hiling na pagpapawalang-bisa ni Senador Antonio Trillanes IV sa Proclamation 572.

Malinaw umano ayon sa SolGen na walang orihinal na kopya ng aplikasyon at walang pag-amin ng pagkakasala si Trillanes kaugnay ng mga kaso nitong kudeta at rebelyon noong 2003 at 2007.

Dagdag pa nito, mula pa noong ika-3 ng Setyembre at ika-5 ng Setyembre, kung kailan nanatili sa Senado ang mambabatas ay wala sa opisyal na listahan ng mga bisita ng Senado ang isang Atty. Jorvino Angel  na siyang nakapirma sa notaryo ng petisyon na inihain ni Trillanes sa Supreme Court (SC).

Batay sa panuntuan ng korte, kinakailangang personal na panumpaan ng nagpapanotaryo sa harap ng abogado ang mga dokumento.

Tags: , ,