SolGen Calida, hiniling sa Korte Suprema na mapawalang bisa ang pagkakatalaga kay CJ Sereno

by Radyo La Verdad | March 6, 2018 (Tuesday) | 2731

Naghain ng quo warranto petition si Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema upang hilingin na mapawalang bisa ang pagkakatalaga kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Hindi umano dapat na maupo sa pwesto si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ayon kay Solicitor General Jose Calida.

Kaya naman pormal ng naghain ng quo warranto petition sa Korte Suprema si SolGen Calida upang ipawalang bisa ang pagkakatalaga kay Sereno bilang punong mahistrado.

Kabilang sa basehan ni Calida ang hindi umano pagsusumite ni Sereno  ng sampung Statement of Assests Liabities and Networth (SALN).

Pero duda ang kampo ni Sereno na magiging patas ang paghawak ng mga justices ng Korte Suprema sa reklamo.

Sang-ayon dito si Albay Representative Edcel Lagman kaya ang kaniyang panawagan, dapat mag-inihibit sa kaso ang pitong associate justices na nagtangkang patalsikin ang punong mahistrado.

Bukod sa impeachment complaint, ito na ang pangalawaang reklamo na kinakaharap ng chief justice na kapwa humihiling na patalsikin siya sa pwesto.

Kasalukuyang dinidinig na sa Kamara ang impeachment complaint laban sa chief justice.

 

( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )

Tags: , ,