SOJ Vitaliano Aguirre, iginiit na may karapatan silang gawing state witness si Janet Napoles

by Radyo La Verdad | May 18, 2017 (Thursday) | 1799


Hindi nababahala si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa plano ng Ombudsman na harangin ang pagiging state witness ni Janet Napoles sa mga kaso kaugnay ng Pork Barrel Scam.

Ito ay matapos sabihin ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na haharangin ng prosekusyon ang anumang hakbang na magtatalaga kay Napoles bilang state witness sa kaso.

Ayon kay Secretary Aguirre hindi sakop ng pagiging state witness ang mga kasong kinakaharap ni Napoles sa Sandiganbayan.

Giit rin nito tanging ang DOJ lamang ang may karapatan kung sino ang pagkakalooban ng Witness Protection Program.

Sa ngayon aniya ay wala pang department order na inilalabas ang DOJ kaugnay ng hiling ng kampo ni Napoles na mailagay ito sa WPP.

Tags: , ,