Socio-economic at policical reform, prayoridad sa peace talks

by Radyo La Verdad | June 28, 2016 (Tuesday) | 1263

Silvestre-Bello-III
Hindi prayoridad ng Government Peace Negotiating Panel ang pagpapauwi sa bansa kay Communist Party of the Philippines Founder Joma Sison.

Ayon kay incoming Government Peace Panel Chairman Silvestre Bello the third, sesentro ang peace talks sa social economic reform, political reform, pagpapatigil sa digmaan at ang disposition of forces.

Una nang sinabi ni Sison sa panayam naman ng UNTV News noong June 20, na pinag-aaralan pa nila ang posibleng pagbabalik sa Pilipinas.

At titignan pa ng kanyang mga abugado ang legal implications at consequences nito bilang recognized political refugee.

(UNTV RADIO)

Tags: ,