Hindi na magpapakat-kalat sa lansangan ang mga bata maging ang matatanda sa Lipa City walang matuluyan. Ito’y matapos buksan kamakailan ang Social Welfare Village kung saan sila kakalingain ng libre.
Ayon kay Mayor Meynard Sabili, nais nilang mapangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga Lipeño.
Ang nasabing shelter ay kayang makapag-accommodate ng hanggang tatlong daang tao. Prayoridad dito ang mga bata na nakatira sa mga lansangan lalo na ang mga may kapansanan at senior citizen.
Plano ring dito na irehabilitate ang mga kabataan at kababaihan na nais magbago matapos malulong sa iligal na droga.
Ayon kay Social Welfare Undersecretary Isko Moreno, malaki ang maitutulong nito sa mga taga-Lipa na nangangailangan ng pagkalinga.
Isang milyong piso kada taon ang inilaang halaga sa pagmamantine ng Village kasama na ang pagkain at pang araw-araw na pangangailangan na kukuhanin sa pondo ng lunsod.
( Vincent Octavio / UNTV Correspondent )
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com