Social Security System, nagsimula ng tumanggap ng online registration para sa Personal Equity and Savings Option o PESO fund

by Radyo La Verdad | April 18, 2016 (Monday) | 997

IMAGE_10102013_untv-news_SSS
Nagsimula ng tumanggap ng online registration para sa Personal Equity and Savings Option o PESO fund program ang Social Security System o SSS.

Ito ay provident-fund scheme na naglalayong madagdagan ang savings ng mga SSS members partikular na ang mga nagpupundar para sa kanilang retirement fund.

Maaaring magregister ang miyembro ng SSS sa pamamagitan ng SSS website at i-click ang e-services tab, at makakatanggap ng kumprmasyon na ipapadala sa kanilang email kung ito ay successful.

Maaaring magsimulang magbayad ng contributions ang mga enrollees kapag nakapag enroll na subalit obligado pa rin na pumunta sa kahit saang SSS branch upang makumpirma ang enrollment.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa SSS PESO fund online registration, maaaring tumawag sa SSS hotline na numero 924 64 46 o mag email sa member_relations@sss.gov.ph.

(Joms Malulan / UNTV Correspondent)

Tags: ,