Social Security Commission, bumuo na ng komite na mag-iimbestiga sa umano’y anomalya sa stocks trading ng 4 opisyal ng SSS

by Radyo La Verdad | November 9, 2017 (Thursday) | 2752

Hindi pagtatakpan ng Social Security Commission o SSC ang sinomang opisyal ng SSS na mapapatunayang sakot sa kurapsyon.

Tiniyak ito ng komisyon matapos akusahang sangkot umano sa stock trading sina SSS Executive Vice President for Investment Rizaldy Capulong, Vice President for Equities Investment Division Reginald Candelaria, Equities Product Development Head Ernesto Francisco Jr. at Actuarial and Risk Management Division Chief George Ongkeko Jr.

Handa rin umano silang makipagtulungan sa Kamara oras na simulan na nito ang imbestigasyon hinggil sa apat na opisyal. Sa ngayon, nahaharap na sa administrative complaint ang apat na opisyal ng SSS.

Una nang naghain ng resignation letter sina Candelaria at Ongkeko habang nasa floating status naman ngayon sina Capulong at Francisco.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,