Isang sapatos ang idinensyo ng estudyante ng Rhode Island School of Design na si Bojian Han na makakatulong na hanapin ang kaibigan mo.
Tinatawag itong social media sneakers dahil ginagamit nito ang impormasyon sa social media upang mabilis na mahanap ang mga kaklase at mga kaibigan.
Kailangan lang i-download ng mga gagamit ng sapatos ang app sa online, automatic itong kokonekta sa sapatos at babasahin ang facebook profile mo.
Mayroon din itong kakayahan na malaman kung anu-ano ang mga ginagawa mo sa araw-araw, kagustuhan at mga hilig.
Sa mga impormasyon na nakukuha nito sa may suot nakakabuo ito ng espesyal na kulay para lang sa mag-ari.
Nagpapahiwatig din ito kung may malapit na tao na kapareho mo ng hilig sa pamamagitan ng kulay at liwanag na lumalabas dito.
Gaya sa pakpak ng gamugamo ang ginagamit na materyales sa paggawa ng social media sneakers kaya magaan ito subalit matibay.
Hindi pa ito functional sa ngayon pero inaasahan na ilalabas din ito sa merkado sa lalong madaling panahon.
(UNTV RADIO)
Tags: Bojian Han, Rhode Island School of Design, Social media sneakers
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com