Social media, gagamitin na sa paglutas ng Magsino slay case

by dennis | April 18, 2015 (Saturday) | 2149
Mula sa Facebook page ni Mei Magsino
Mula sa Facebook page ni Mei Magsino

Hinihikayat ng Philippine National Police ang publiko na tumulong sa imbestigasyon sa pagpaslang sa dating Inquirer correspondent na si Melinda Magsino.

Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon sa binuksang Facebook account na “Task Force Magsino”.

Ayon kay PNP PIO Chief P/CSupt. Generoso Cerbo, inilagay ang Facebook account para sa mga mamamayan na gustong magbigay ng impormasyon sa kanilang nalalaman tungkol sa pagpatay kay Magsino..

Ayon pa sa heneral, madali namang masala ang mga lehitimong mensahe sa mga nanloloko dahil may mga tauhan ang Task Force Magsino na magmo-monitor sa nasabing Facebook account.

Ipinahayag rin ni Cerbo na padadalhan na rin ng sulat ng PNP ang lahat ng pulitiko at personalidad na nabanggit ng biktima sa kanyang huling post sa social media.

Sa kasalukuyan, may P200,000 reward sa sino mang makapagtuturo sa pumaslang kay Magsino na mula kay Sen. Ralph Recto at Batangas 4th district representative Mark Mendoza.(Lea Ilagan/UNTV News Correspondent)

Tags: , , , , , ,