METRO MANILA – Ilang araw ding walang trabaho ang mga Pilipino pagsapit ng Huwebes (April 14) hanggang weekend.
Kaya marami ang piniling magtungo sa probinsya at magbakasyon.
Ngunit nagpaalala si National Task Force Medical Adviser Dr. Ted Herbosa na dapat mapatili pa rin ang family buble ngayong long holiday.
Sa ganitong paraan matiyak na hindi magiging super spreader event ang long holiday kasabay ng pangangampanya ng mga kanidato sa bansa.
Ayon pa kay Dr. Herbosa, dapat ay samantalahin na rin ang pagkakataon na magpa- booster shot na lalo’t bukas naman ang mga vaccination site.
Mahalaga aniyang mapalawak pa ang booster vaccination rate sa Pilipinas lalo’t may banta rin ng Omicron XE.
12 mllion pa lang ang mga nakapagpa-booster shot, mababa kumpara sa mahigit 66 million na fully vaccinated Filipinos.
Batay sa ulat ng Octa Research Team kahit na mababa na ang COVID-19 cases, bumagal din ang pagbaba ng kaso ntong nakalipas na mga araw.
Katunayan magkapareho lang ang average daily cases ngayong linggo kumpara noong nakalipas ng linggo na umaabot sa 342 kada araw.
Pinaalalahanan ang lahat ng maging responsable pa rin at magpa-booster shot kung kumpleto na ang primary series ng COVID-19 vaccines.
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: long holiday