SK, magiging data encoders sa 3-day Simultaneous Vaccination Drive – DILG

by Radyo La Verdad | November 24, 2021 (Wednesday) | 3686

METRO MANILA – Aatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng Sangguniang Kabataan (SK) na maging data encoders sa isasagawang simultaneous vaccination drive sa bansa.

Gagawin ang aktibidad simula sa November 29 hanggang December 1, 2021.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan E. Malaya, nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa National Youth Commission at SK Federation ukol dito.

Dagdag ng opisyal, makikibahagi rin ang medical teams ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Bureau of Fire Protection (BFP) sa darating na pagbabakuna.

Kinumpirma naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at PNP ang pakikiisa upang mapanatili ang maayos at mapayapang pagsasagawa ng vaccination drive.

Samantala, nagbigay direktiba naman ang ahensiya sa lahat ng lokal na pamahalaan na maglaan ng sapat na tao sa mga vaccination sites sa darating ng vaccination drive.

Layunin ng aktibidad na mabakunahan ang nasa 15 million na Pilipino sa loob ng 3 araw na vaccination drive.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,