Sitwasyon sa Manila South Cemetery, nanatiling mapayapa ayon sa PNP

by Radyo La Verdad | November 2, 2018 (Friday) | 4597

Naging generally peaceful ang buong magdamag sa Manila South Cemetery ayon sa Philippine National Police (PNP). Pero hindi pa natatapos ang pagbabantay ng PNP dahil magbabantay pa sila hanggang mamayang gabi.

Naging epektibo ang paghihigpit ng PNP sa mga pumapasok sa sementeryo dahil sa walang anomang naitalang insidente ng krimen mula kahapon.

Lahat ng pumapasok ay kailangang dumaan sa inspeksyon ng mga pulis. Kinukumpiska naman ang lahat ng makukuhang ipinagbawal gaya ng matutulis na bagay, flammable materials at iba pa.

Ngayong araw, kakaunti na ang mga taong pumupunta sa sementeryo kumpara kahapon.

Mula kaninang umaga ay umaabot na sa halos labing dalawang libo ang mga taong pumapasok sa loob ng Manila South Cemetery.

Karamihan sa mga ito ay ang mga humahabol o hindi nakapunta kahapon.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

Tags: ,