Kalunos-lunos ang sitwasyon sa Gaza ayon sa United Nations World Food Programme.
Ito ay dahil malapit nang maubos ang suplay ng pagkain at tubig.
Nakaasa lamang sa generators ang Palestinian enclave matapos maubusan ng langis ang nag-iisa nitong power station.
Ayon sa Israel, hindi nito tatapusin ang pagharang sa supplies hangga’t hindi pinakakawalan ang Israeli hostages.
Nasa 150 hostages ang dinala ng Hamas sa Gaza matapos ilunsad ang pag-atake kung saan 1,300 naman ang pinaslang nito.
Aminado naman ang Israeli defence chief sa pagpalya ng militar na tiyakin ang seguridad at protektahan ang mga mamamayan nito.