Sitwasyon ng seguridad sa Sulu, personal na inalam ng ilang matatas na opisyal ng pamahalaan

by Radyo La Verdad | March 8, 2017 (Wednesday) | 2113


Personal na inalam nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, AFP Chief General Eduardo Año, National Security Adviser Hermogenes Esperon at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan ang sitwasyon sa seguridad sa Sulu.

Ito ay kasabay ng isinagawang Provincial Peace and Order Council Meeting sa lalawigan kahapon.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nais nilang marinig ang mga hinaing at rekomendasyon ng mga opisyal sa Sulu para mabigyan ng solusyon ang kidnapping, pamumugot at iba pang karahasan sa probinsya.

Mariin namang ding pinabulaan ng mga lokal na opisyal na may nangyayaring sabwatan sa pagitan ng Abu Sayyaf at LGU kaya hindi matigiltigil ang insidente ng kidnapping.

Sa katunayn ay handa anila silang makipagtulungan upang matigil ang mga ganitong karahasan sa lalawigan.

Hiniling naman ng AFP ang kooperasyon ng publiko para sa tuluyang ikalulutas ng problema.

Sa ulat ng AFP umaabot sa tatlumput dalawa ang napatay na miyembro ng asg simula noong Enero na malaki na umanong kawalan sa kanilang pwersa.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,