Sitwasyon ng mga evacuee sa Lanao del Sur, tinututukan ng DSWD

by Radyo La Verdad | March 2, 2016 (Wednesday) | 1425

DSWD
Libo-libong residente na ang apektdo ng bakbakan ng militar at rebelde sa Lanao del Sur.

Ayon sa DSWD, nitong lunes lamang ay nasa mahigit apat na pung libong indibiwal na ang kumpirmadong apektado ng sagupaan ng military at mga rebelde.

Nasa mahigit limang libong food packs na ang naipamahagi ng DSWD sa mga apektadong residente.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang repacking sa Marawi City at pamimigay ng mga hygiene kit at malong sa mga evacuee.

Sinisiguro rin ng DSWD na walang mga pangalan ng mga kandidato sa mga ipamimigay nitong relief goods.

(Darlene Basingan/UNTV NEWS)

Tags: , ,