Sistema sa pagbabayad ng buwis, dapat pagaanin – Sen. Angara

by dennis | April 18, 2015 (Saturday) | 6108
File photo: Mga taxpayer na naghahabol para makapagfile ng income tax return sa regional office ng BIR sa Quezon City
File photo: Mga taxpayer na naghahabol para makapagfile ng income tax return sa regional office ng BIR sa Quezon City

Dapat pagaanin ng Bureau of Internal Revenue ang kanilang sistema sa pagbabayad ng buwis, ayon kay Senador Sonny Angara, chairperson ng Senate Ways and Means committee.

Noong huling araw ng filing ng income tax return noong Miyerkules, Abril 15, iba’t-ibang problema ang naranasan ng mga taxpayer. Bunsod ito sa umanoy mabagal at komplikadong sistema na ipinapatupad ng BIR. Dagdag pa rito ang kakulangan sa pamilyaridad ng mga kawani ng ahensya sa mga sistemang ginagamit nito.

Batay sa pag-aaral ng World Bank at Price Waterhouse Coopers (pwc), aabot sa walong araw o 193 hours ang ginugugol ng isang Pilipino upang matugunan ang obligasyon sa pagbabayad ng buwis.

Ayon pa kay Angara, kung magiging simple at mabilis ang sistema, kaalinsabay ng mababang tax rates, ay mas lalawak at lalaki ang koleksyon ng buwis.(Meryll Lopez/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , , ,