Sinseridad ng MILF, pinagdududahan pa rin ng isang mambabatas

by Radyo La Verdad | June 18, 2015 (Thursday) | 2670

magdalo party list
Hindi naniniwala si Magdalo Party-List Rep. Gary Alejano, sa sinseridad ng Moro Islamic Liberation Front sa pagsasauli ng mga armas.

Bilang isang dating sundalo na nakipaglaban noon sa mga MILF, hindi aniya basta-basta isusuko ng rebeldeng grupo ang kanilang mga armas hangga’t hindi pa nila nakukuha ang mga benepisyong ipinangako ng pamahalaan lalo na ang mga nakapaloob sa Bangsamoro Bill.

Kuwestiyonable rin sa kongresista ang decommissioning process sa ilalim ng panukalang Bangsamoro Bill na may apat na bahagi.

Una ay ang isinagawang ceremonial decommissioning process sa Sultan Kudarat na dapat ay isinagawa noon pang Pebrero.

Pangalawa ay isusuko lamang nila ang 30% ng kanilang mga armas oras na maipasa na ang Bangsamoro Bill.

Pangatlo, dapat makumpleto na ang pagbuo ng Bangsamoro Government at Bangsamoro Police Force kapalit ng 65% decommissioning ng kanilang mga armas.

At ng huli ay 100% pagsuko ng kanilang mga baril kapag napirmahan na ang exit agreement o naibigay na sa kanila lahat ng nakapaloob sa Bangsamoro Bill.

Tags: