Single parent mula sa Laguna, pinagkalooban ng livelihood assistance ng UNTV Munting Pangarap Program

by Radyo La Verdad | August 22, 2017 (Tuesday) | 4906

Hirap sa buhay at marami nang iniindang sakit ang trenta y kwatro anyos at single parent na si Clarita Florando. Bagamat may problema sa kalagayan ng pangangatawan, sinisikap ni Clarita na kumita para sa onse anyos nyang anak na si Yuri.

Dati siyang nagtatrabaho sa isang electronics company at food stall ngunit nang hindi na niya makayanan ang bigat ng trabaho ay nagpundar na lamang siya ng isang maliit na tindahan sa harap ng kanilang bahay.

Utang lamang ang puhunan nito kaya malaking bahagi ng kanyang kinikita ay nagiging pambayad utang lamang. Katulong naman sa buhay ni Clarita ang kanyang ina na sa edad na sisenta ay nananahi pa.

At dahil ayaw nyang maging pasanin sa kanyang ina na mayroon na ring karamdaman, sumulat si Clarita sa programang Munting Pangarap ni Kuya Daniel Razon upang humingi ng kaunting tulong na nagkaroon ng katugunan.

 

(Marge Pelayo / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,