Singing hopefuls, nagpasiklaban sa Wishcovery audition sa Bacolod

by Radyo La Verdad | July 27, 2017 (Thursday) | 2583


Mula sa Luzon, pinuntahan ng Wishcovery team ang dako ng Visayas para tuklasin ang angking talento ng mga ilonggo, ang first stop, ang capital ng Negros Occidental, ang siyudad ng Bacolod.

Tinaguriang the City of smiles kung kaya naman puro masasayang mukha ang nabungaran sa isinagawang wishcovery on-ground audition sa Bacolod City. Hindi rin maitatago na nag-enjoy ang mga ilonggo sa mga performance ng mga aspiring singer.

Isa sa mga talented auditionee ay ang working student na si Jm Bales na mula pa sa Iloilo. Ginawan pa ng paraan ni Jm ang makarating sa Bacolod upang makapag-audition.

Nagtiyaga ring pumila sa wishcovery audition sa kabila ng busy schedule ang businesswoman na si Pauline Barrientos. Muling nagbabalik ngayon sa pag-awit si Paulyn matapos matigil ng ilang taon dahil kinailangan niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang pag-aaral.

Masaya naman ang mga taga Bacolod na mabigyan sila ng wish 107.5 ng pagkakataong maipamalas ang kanilang talento. Ang susunod na on-ground auditions ng wishcovery ay isasagawa sa Cebu, Baguio at Manila.

Kung hindi naman makararating sa alinmang on-ground audition, maaaring magpasa ng audition piece online hanggang July 31, i-check lamang ang www.wish1075.com/wishcovery

(Leslie Longboen / UNTV Correspondent)

Tags: , ,