Singil sa tubig ng Maynilad at Manila Water bahagyang bababa simula ngayong October.

by Erika Endraca | September 16, 2020 (Wednesday) | 20732

METRO MANILA -Bahagyang bababa ang singil sa tubig ng Maynilad at Manila Water para sa ika-apat na quarter ng taong 2020. At magsisimula ito ngayong buwan ng Oktubre.

Ang bawas singil sa tubig ay bunsod ng pagbaba ng foreign currency differential adjustment na may kaugnayan sa palitan ng piso kontra dolyar.

Para sa mga customer ng Maynilad, may bawas na P0.01/cu meter, kaya naman bababa ng nasa P0.24 /cu meter hanggang P0.25/cu meter ang babayarang bill sa tubig para sa mga kumokonsumo ng 10 hanggang 20  cubic meters kada buwan.

Habang ang Manila Water naman may tapyas na P0.15/cu meter. Kaya naman nasa P1.73 – P3.50 ang pwedeng mabawas sa monthly bill sa mga kumokonsumo ng 10 hanggang 20 cubic meters kada buwan.

Ang FCDA ang buwis na ipinapataw ng mga water concessionaire upang mabawi o umagapay sa pabago-bagong galaw ng foreign exchange rate na ginagamit na pambayad sa mga foreign-currency denominated loans para sa mga proyektong may kaugnayan sa suplay ng tubig.

(Joan Nano | UNTV News)

Tags: ,