Senator Grace Poe, nananawagan sa Bureau of Customs na tiyakin ang seguridad ng mga balikbayan boxes ngayong holiday season

by Radyo La Verdad | December 15, 2015 (Tuesday) | 1469

GRACE-POE
Nananawagan si Senator Grace Poe sa Bureau of Customs na siguruhin ang seguridad ng mga balik bayan boxes lalo na ngayong holiday season.

Hiniling ni Poe ang maayos na pagpapadala ng mga balik bayan boxes ng mga Overseas Filipino Workers lalo’t hindi makakauwi ang karamihan sa kanila ngayong holiday season.

Tinatayang 4.8 million balikbayan boxes ang ipinapadala sa bansa taon taon,kung saan apat na pung porsyento sa mga ito ay dumarating tuwing ber months.

Naging kontrobersyal ang isyu ng balikbayan boxes nang matuklasan ng pamilya ng mga OFW na nabuksan na ang ipinadalang box at may nawawala sa mga ito.

Noong Setyembre,matatandaan na nirebisa ng BOC ang kanilang patakaran kung saan ang mga tauhan ng custom ay pinagbawalan nang buksan ang mga balikbayan box, at sasailalim na lamang sa mandatory x-ray scanning at kung ang box ay ma-tagged na “suspect” ay saka lamang ito bubuksan kasama ang representative ng OWWA.

(Meryll Lopez / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,