Tataas ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company o Meralco sa mga susunod na buwan
46-centavos per kilowatt hour ang dagdag-singil sa Abril habang 72-centavos per kilowatt hour naman sa buwan ng Mayo.
Ayon sa Meralco, nagmahal ang panggatong ng tatlong malalaking planta sa Luzon kasunod ng pagsisimula ng Malampaya shutdown
Paliwanag nito, dahil hindi available ang natural gas mula sa Malampaya, biodiesel ang ginagamit ng Ilijan power plant habang liquid condensate naman ang Sta.Rita at San Lorenzo power plant
40% ng kuryente na sinusuply ng Meralco sa mga customer nito ay nanggaling sa tatlong planta.
Tags: Meralco, power hike