Singil sa kuryente, tataas ngayong buwan

by Radyo La Verdad | October 10, 2017 (Tuesday) | 5063

Tataas ng tatlong sentimo kada kilowatt hour ang singil sa kuryente ng MERALCO ngayong buwan.

Para sa mga kumukonsumo ng 200 kilowatt sa isang buwan, halos pitong piso o 6.91 pesos ang itataas sa kanilang bill ng kuryente.

Mahigit sampung piso naman sa kumokonsumo ng 300 kilowatt, halos katorse pesos sa may 400 kilowatt consumption sa isang buwan at mahigit disisiete pesos sa kumukonsumo ng 500 killowatt sa isang buwan.

Paliwanag ng MERALCO, ito ay bunga ng pagtaas ng generation charge.

Pero paliwanag ng electric company, hindi magkakaroon ng malaking adjustment sa singil ng kuryente ngayong ber months dahil bababa na ang demand sa kuryente.

Sa gitna ng inaasahang pagtaas ng singil sa kuryente, pagtitipid ang nakikitang paraan ng marami upang hindi mabigatan sa bayarin.

 

( Rajel Adora / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,