Singil sa kuryente, posibleng tumaas ng mahigit P1/kWh sa Marso

by Radyo La Verdad | January 12, 2017 (Thursday) | 1626

IMAGE_UNTV-NEWS_07102014_MERALCO-CUSTOMER-PAYING-BILL
Tataas ang singil sa kuryente sa Marso dahil sa maintenance shutdown ng Malampaya natural gas facility ngayong buwan hanggang Pebrero.

Dahil sa shutdown mapipilitan ang mga planta na gumagamit ng natural gas mula sa malampaya na gumamit muna ng mas mataas na fuel.

Ayon sa Manila Electric Company o MERALCO, posibleng umabot sa one peso and 44 centavos per kilowatthour ang increase sa singil sa kuryente.

Sa mga komukonsumo ng 200-kilowatthour kada buwan, katumbas ito ng 288 pesos na dagdag sa electricity bill

Tiniyak naman ng Energy Regulatory Commission na hindi nila pahihintulutan ang biglaang dagdag-singil at sa halip ay uunti-untiin ito para hindi mabigatan ang mga consumer.

Tags: ,