Singil sa kuryente ngayong Oktubre, bababa ayon sa MERALCO

by Radyo La Verdad | October 7, 2016 (Friday) | 2113

MERALCO 1
Muling magpapatupad ng bawas singil sa kuryente ang Manila Electric Company o MERALCO ngayong Oktubre, kung saan bababa ng 12 centavos per kilowatt hour ang presyo ng kuryente.

Nangangahulugan ito na kung ang isang customer ay kumokonsumo ng 200 per kilowatt hour sa isang buwan, bababa ng twenty four pesos and thirty-three centavos ang bill sa kuryente.

Thirty-six pesos and forty-nine centavos para sa mga kumukonsumo ng 300 per kilowatt hour,forty-eight pesos and sixty-five centavos sa bawat 400 perkilowatt hour consumption at sixty pesos and eighty two centavos para sa mga gumagamit ng 500 per kilowatt hour.

Ayon sa MERALCO, ang pagbaba ng halaga ng kuryente ay bunsod ng patuloy na bawas presyo ng transmission charge at generation charges na dulot ng mas murang singil ng Wholesale Electricity Spot Market o WESM.

Ito na ang ikatlong magkakasunod na buwan na bumaba ang presyo ng kuryente.

Bagaman nasisimula ng gumamit ng mga holiday season decoration ang ilang consumer, batay sa forecast ng MERALCO ay wala namang inaasahang pagtaas sa demand ng kuryente sa mga susunod na buwan.

Hindi pa masabi sa ngayon ng MERALCO kung magtutuloy pa rin ang pagbaba ng presyo ng kuryente sa mga susunod na buwan.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: , ,