Bababa ng mahigit singkwenta sentimo kada kilowatt hour ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Enero
Ayon sa Meralco, bumaba ang presyuhan ng kuryente sa merkado na nakapagpapababa sa generation charge.
Mahigit isang daang piso ang mababawas sa bill ng isang sangbahayan na komokonsumo ng 200 kilowatt kada buwan habang mahigit dalawang daang piso naman sa mga komokonsumo ng 500 kilowatt kada buwan.
Bagamat bababa ang singil sa kuryente ngayong buwan, walong sentimo kada kilowatt hour naman ang itataas sa singil ng kuryente sa Pebrero dahil sa excise tax.
Ayon sa Meralco, 31% to 33% ng kanilang power source ay mula sa coal at mas malaking bahagi ay mula sa natural gas.
Pero bukod sa dagdag-dingil sa kuryente dahil sa excise tax, tinatayang magtutuloy-tuloy ang pagtaas sa singil sa kuryente hanggang summer months.
Ayon naman sa Meralco, naghain na sila ng petisyon sa Energy Regulatory Commission na payagan sila na makabili rin ng kuryente mula sa renawable source na mas mura kumpara sa coal.
( Mon Jocson / UNTV Correspondent )